Sualinians, Save Our Parish! Stop Abusive Priest!
SAN PEDRO MARTIR PARISH
SUAL
PETISYON
Narito po ang ilan sa aming mga hinaing at reklamo ukol sa pamamalakad sa parokya at asal ng kura-paroko, Rev. Fr. Darren B. Lopez, tungo sa mga tao:
- Ang pagbebenta ng pari sa ilang kagamitan ng simbahan e.g. lumang chandelier, steel cabinets, na hindi ipinaalam sa PPC at ang napagbentahan ay hindi isinumite sa parokya. ( respeto sa kultura at yamang kasaysayan ng parokya)
- Ang mga proyektong kanyang ginagawa sa parokya na wala pong konsultasyon sa mga opisyales ng PPC.
- Ang pagsasawalang bahala sa mga pagpupulong ng PPC.
- Ang pagsasawalang bahala sa pagkakaroon ng transparency sa parokya.
- Ang pagpaparatang at panghuhusga sa mga taong nasasangkot sa problema gaya ng nangyari sa mga katekista noong kanyang installation na pinaratangan nya silang mga magnanakaw.
- Kawalan ng respeto sa ilang opisyal ng PPC ( ang pagduduro sa harapan mismo ng Obispo).
- Ang pagbabanta at pananakot sa ilang opisyal ng PPC ng kanyang sabihing “ Huwag kayong maghari-harian dito. Ako pa rin ang parish priest dito” at “ makikita natin, tignan natin pagdating ng January, may eleksion pa naman”.
- Ang paghingi ng donasyon sa ilang pulitiko at indibidwal na kanyang ipinahahayag sa misa.
- Seal of confession – ang pagbubunyag nya sa taong nangumpisal ng pagkakasala na kanyang ipinahayag sa isa sa kanyang homilia sa misa at kanyang inihayag ang panaglan nang magkaharap at magkausap ang ilang opisyal ng PPC at ng Obispo.
Huwag po tayong magbulag-bulagan sa mga kaganapan sa ating parokya. Itaguyod natin ang ating parokya alang-alang sa mga sumusunod pang henerasyon.
Kaisa ng sambayanan ng Parokya ng San Pedro Martir, kami po ay naghahain ng petisyon upang palitan ang paring kasalukuyan. Ayaw po namin ng isang paring mapagmataas, mapanghusga at higit sa lahat ang kawalan ng respeto sa kapwa tao. Bilang isang pari, dapat siyang maging mabuting huwaran at manguna na magpamalas ng kababaang-loob at magkaroon ng mataas na antas ng moralidad, ngunit taliwas po ang kanyang pinapakita.
Kalakip nito ay ang mga pirma ng sambayanan na nagnanais ng kaayusan, katahimikan, katarungan kapayapaan, pagkakaisa, pagkakaunawaan at higit sa lahat ang pagmamahalan ng bawat miyembro ng parokya. Makakamit lamang natin ito sa sama-samang pagtaguyod sa adhikain ng ating parokya kaisa ng adhikain ng ating diyosesis.
Sualinians Contact the author of the petition
Announcement from the administrator of this websiteWe have closed this petition and we have removed signatories' personal information.European Union's General Data Protection Regulation (GDPR) requires a legitimate reason for storing personal information and that the information be stored for the shortest time possible. |