Sualinians, Save Our Parish! Stop Abusive Priest!
Contact the author of the petition
Ang Paghaharap
2013-03-06 08:29:27ANG PAGHAHARAP
December 21, 2012
Matapos ang misa ng Obispo Marlo Peralta ng araw na ito, lumapit ang noo’y pangulo ng PPC ( Parish Pastoral Council ) na si Rosanna Marie T. Soriano, upang humingi ng tulong na mapag-usapan kung anuman ang ikinasasama ng loob ng kura paroko sa kanila ng bise presidente, Aldho Dacocos. Sinabi po ng Obispo na pag-usapan na lamang ito sa parokya kasama ang kura paroko. Sinabi ng pangulo sa Obispo na paanong sila’y makapag-uusap kung umiiwas ang pari sa kanla? At siyang pagdating ng kura paroko na si Rev. Fr. Darren Lopez. Ipinaliwanag ng Obispo kung bakit sila’y nakikiusap. .sa di inaasahang pangyayari, nagtaas boses ang pari at dinuru-duro nya ang dalawang opisyal sa harapan mismo ng Obispo. Pinaratangan po sila sa mga sumusunod:
- Nagkakalat daw ng chismis na ang ina daw ng pari ay palamunin sa parokya at ang budget na P3,000.00 kada araw. -ang basehan, isang Gloria Dacocos daw ang nangumpisal habang umiiyak at nagsabi sa kanya na galing daw mismo sa mga bibig ng mga ito ang mga salitang iyon.
- Ang pagpipilit ng pangulo sa pagbubukas ng main gate ng simbahan na wala daw alam ang pari.
Inutusan po ng pari na gumawa ng solicitation letter ang pangulo ng PPC para po mangalap ng mga donasyon para sa pagpopondo ng naturang proyekto. Kung totoo nga na wala syang alam, eh bakit nya pinirmahan ang solicitation letter para sa pagpopondo ng naturang proyekto? Inutusan din po siya upang puntahan at kausapin si Madam Lorie Ramirez na pumayag na ang Obispo basta’t ito’y popondohan ng mga tao at hindi ng parokya.
- Ang dami-dami daw proyekto ang PPC na hindi daw ipinaaalam sa pari. FYI, wala pa pong nasisimulan ni isang proyekto ang PPC. Nangangalap pa lang po sila ng mga donasyon para sa proyekto po ng PPC at isa na nga po ang pagbubukas ng main gate ng simbahan at ang paglipat ng naturang chapel of the unborn child na nakatayo mismo sa main gate ng simbahan. Ang mga pagbabago pong nakikita ngayon sa simbahan ay proyekto po ng pari at siya lang po ang nagdesisyon sa mga iyon. Wala pong nangyaring konsultasyon sa PPC sa lahat ng mga proyekto ng pari.
- Ang pagkukuwestiyon sa kanyang mga kasambahay. Ayon po sa napag-usapan sa DCL meeting, 4-5 lamang po ang maaaring tumira sa kumbento ng pari, ang pari, 1 sakristan, 1 cook, 1 driver. Sa pakiusap po ng kura paroko na manatili ang kanyang hardinero, pinagbigyan po ang kanyang kahilingan at sinabi mismo ng kura paroko na hindi sa parokya manggagaling ang kanyang sahod kundi sa pari na lang. Pero hiniling po ng pari na ang SSS at Philhealth ay sagutin ng parokya. Wala pong naging katanungan ang mga opisyales ng PPC matapos ang pagpupulong tungkol sa kasambahay. Sa mga nakaraang buwang obserbasyon, ang pari, 1 cook, 1 driver, 1 hardinero all around, at 3 sakristan ang syang nakatira ngayon sa kumbento. Dumami man sila, wala silang narinig ni anuman sa mga opisyal ng PPC.
- Ang pagkukuwestiyon sa caroling. Ang basehan, ang sinabi ni Malou Gacoscosin. Hindi po nagkukuwestiyon ang PPC. Wala din pong alam ang pangulo na ang parish staff ay nangangaroling. Nagtatanong lang po ang pangulo dahil may ilang taga parokya ang lumapit sa kanya upang tanungin kung saan daw ba mapupunta ang malilikom sa caroling. Tamang impormasyon lamang po ang hinihingi at hindi upang mang-imbestiga.
- Na ang pangulo at pangalawang pangulo ng PPC daw ay naghahari-harian sa parokya at sinabi pa ng pari kaharap din ang Obispo na “ Ako pa rin ang parish priest dito”. - Hindi po naghahari-harian ang PPC sa parokya. Ginagawa lang po nila ang kanilang tungkulin ayon sa direktiba/instruksion sa kanila sa DCL meeting. Transparency at sapat na oras lamang po ang kanilang hiniling para sa pagpupulong sa BEC at PPC.
At sa huli, tila isang pagbabanta ang binitiwan ng kura paroko na nagsabing “ makikita natin, tignan natin pagdating ng January, may eleksion pa naman.” Sa pagtatapos ng usapan, nakiusap ang Obispo na bigyan ng sapat na panahon ang bawat isa upang mawala ang galit at muling mag-usap para sa kaayusan ng magkabilang panig. Sinabi din po nya sa pari na bilang pastor ng parokya, dapat maging sentro sya ng pagkakaisa. Mag reach-out sa mga taong naghahangad ng paliwanag. At sa presidente at bise presidente, pang-unawa at pasensya ang hiniling. Bigyan daw ng pagkakataon na maipakita ng kura-paroko ang kabutihan nya bilang isang pari.
Sa pag-aakalang dun na magtatapos ang lahat ay hindi pa rin pala, sapagkat may mga taong tila di mapigilan ang dila na wala man sila nung nangyari ang paghaharap, pero sila pa ang syang nangunguna na nagkukuwento sa iba. Kung sinoman ang pinanggalingan ng kwentong yun ay wala pong kinalaman ang dalawang opisyal sapagkat nang araw ding yun naghain ng resignation ang Pangulo ng PPC at lumuwas silang mag-anak sa Maynila. Sa kanyang pagbabalik, kayraming nagtatanong tungkol sa sagutan na nangyari pagkatapos ng misa ng Obispo. Hindi na sana siya magsasalita upang hintayin na lang ang muling paghaharap nila ng kura paroko kasama ng iba pang nasasangkot sa usaping ito upang mabigyan na ng tuldok ang lahat, ngunit nang marinig nito na sila daw ang nakipagsagutan sa pari kaharap ang Obispo, ay napilitan na po siyang magsalita at kung ano po ang nasusulat dito ay siya lamang pong kanyang sinabi at totong nangyari ng araw na iyon.
Sa ika-anim na buwan pong pamamalagi ng kura paroko Rev. Fr. Darren Lopez, ay hindi po nalingid sa PPC ang panlalamig ng kura paroko. Hindi naging maganda ang pakikitungo nito sa pangulo at ng bise presidente, sila na nahalal na mga opisyal ng simbahan. Imbes na pagkaisahin nya ang mga tao ay lalong nagkakaroon ng sigalot ang bawat isa. Dapat sana, bilang pari at ama sa parokyang ito, tinawag nya ang mga nasasangkot upang maliwanagan ang bawat isa. Dapat sana’y namagitan siya upang mapagtanto ang katotohanan sa lahat ng mga bintang, ngunit naging mapanghusga din ang pari sapagkat iisang panig lang ang kanyang pinakinggan. Bilang isang tao, karapatan din po nila na mapakinggan at igalang. Sa ginawa ng pari na pagduru-duro sa dalawang opisyal, hindi po nya ginalang ang kanilang pagkatao lalo na sa pangulo, bilang isang babae at nagdadalantao. Sa kanilang pananahimik at pag-iwas sa parokyang kanilang pinaglilingkuran, nakakarinig pa rin po sila ng pagtuligsa. Nais din pong liwanagin ng PPC sa lahat na WALA PO SA PANGANGALAGA NG PPC ANG PONDO NG PAROKYA, na ipinahayag po ng pari sa huling araw ng simbang gabi. HINDI PO HAWAK O KONTROLADO NG PANGULO ANG PONDO NG PAROKYA.. Ayon po sa nakasaad sa konstitusyon ng PPC, Art.VIII Sec. 1 The parish priest, treasurer and auditor shall comprise the finance committee. . .Sec 3 The parish priest and the treasurer shall be designated as the two bank signatories of parish accounts. Whenever necessary, the president can be assigned as an alternate signatory to the treasurer.
Nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon ay hindi pa rin po nakikipag-usap ang kura-paroko sa dalawang opisyal. Imbes na magpakumbaba, tila siya pa itong mapagmataas.
Muli po ang pasasalamat ng PPC sa lahat ng sumuporta sa kanilang panunungkulan bilang mga opisyal ng Konseho Pastoral ng Parokya ng San Pedro Martir 2011-2012. Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal. . .
Sualinians